Monday, June 15, 2009

Maraming salamat, Father Troy!



Ipinaaabot ng buong Parokya ng Santa Maria Magdalena ng Amadeo, Cavite ang aming pasasalamat sa inyong paglilingkod sa aming sambayanan. Nawa'y patuloy kayong manalangin para sa amin at gayon din kami sa inyo.

Hanggang sa muli!

Wednesday, April 15, 2009

RESURREXIT!


Si Kristo ay Muling Nabuhay!
Siya'y ating kaliwanagan!


Ang Libingang Walang Laman
Basilica ng Santo Sepulkro, Herusalem


MALIGAYANG PASKO NG PAGKABUHAY!

Wednesday, April 8, 2009

TRIDUO PASKWAL 2009

ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGKABUHAY



HUWEBES SANTO
9 Abril 2009

5:00NH PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM SA PAGHAHAPUNAN NG PANGINOON
Pasimula at Pagpapahayag ng Salita ng Diyos Paghuhugas ng mga Paa Pagdiriwang ng Huling Hapunan Prusisyon ng Banal na Sakramento

7:00NG Pagsamba sa Banal na Sakramento



BIYERNES SANTO
10 Abril 2009

4:30NU Daan ng Krus
Poblacion

3:00NH PAGDIRIWANG SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON
Unang Yugto: Pagpapahayag ng Salita ng Diyos Ikalawang Yugto: Ang Pagpaparangal sa Krus na Banal Ikatlong Yugto: Banal na Pakikinabang



SABADO SANTO
11 Abril 2009

Walang Pagdiriwang



PANAHON NG PASKO NG MULING PAGKABUHAY



SA GABI NG PAGKABUHAY
11 Abril 2009

9:00NG ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG NG PASKO NG MULING PAGKABUHAY
Unang Yugto: Ang Maringal na Pagsisimula ng Magdamagang Pagdiriwang: Ang Pagpaparangal sa Ilaw Ikalawang Yugto: Ang Pagpapahayag ng Salita ng Diyos Ikatlong Yugto: Ang Pagdiriwang ng Pagbibinyag Ikaapat na Yugto: Pagdiriwang ng Huling Hapunan



LINGGO NG PASKO NG MULING PAGKABUHAY
12 Abril 2009

5:00NU PAGMIMISA SA BUKANG-LIWAYWAY NA MAY SALUBONG
Ang Salubong ay gaganapin sa Plaza ng Simbahan; magpuprusisyon ang lahat papasok sa simbahan para sa Pagmimisa.


8:00NU PAGMIMISA SA ARAW NG PAGKABUHAY

5:00NH PAGMIMISA SA HAPON NG PAGKABUHAY

Sunday, April 5, 2009

Linggo ng Palaspas sa Pagpapakasakit ng Panginoon

Pagdiriwang ng Banal na Misa na may Paggunita sa Pagpasok ng Panginoon sa Jerusalem (Pagbabasbas ng mga Palaspas; Maringal na Pagpasok) noong ika-5 ng Abril 2009. Ang paring nagmisa ay si Reb. Pd. Herminigildo Asilo.



Mga larawan ng santwaryo sa Linggo ng Palaspas sa Pagpapakasakit ng Panginoon. Pansinin ang imahen ng Panginoong Hesus na natatakpan ng telang kulay ubi at ang Roman altar arrangement.


Ang kaayusan ng altar sa Roma ("Roman altar arrangement") na nagtatampok ng isang krusipiho sa gitna ng dambana at dalawa, apat o anim na kandila sa tabi nito:



Ang mga gayak para sa Linggo ng Palaspas:


Ang mga imahen tinakpan ng tealng kulay ubi mula noong Sabado bago ang ika-5 Linggo ng Kuwaresma:



Ang imahen ng Panginoong Hesus na nagpapasan ng krus ("Nazareno") na ipinamamalas para sa pagpaparangal ng madla:


(Hindi nakuhanan ng mga larawan ang mga Misang nauna, lalo na ang Misa Solemne na may Prusisyon na ginanap ng ika-5 ng umaga. Ang paring nagmisa ay si Reb. P. Benito de Castro, parish administrator, na tinulungan ni Reb. Wilson Catabay, SDS, diyakono.)

Saturday, April 4, 2009

MGA MAHAL NA ARAW

Mga Liturhikal at Debosyonal na Pagdiriwang



LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON
4 Abril 2009 (Sabado)
5:00NH BANAL NA MISA (Maringal na Pagpasok)

5 Abril 2009 (Linggo)
5:00NU BANAL NA MISA (Prusisyon ng mga Tao)
8:00NU BANAL NA MISA (Maringal na Pagpasok)
5:00NH BANAL NA MISA (Maringal na Pagpasok)


LUNES SANTO
6 Abril 2009
3:00NH Pagbasa ng Pasiong Mahal
5:00NH BANAL NA MISA


MARTES SANTO
7 Abril 2009
3:00NH Pagbasa ng Pasiong Mahal
5:00NH BANAL NA MISA


MIYERKULES SANTO
8 Abril 2009
3:00NH Pagbasa ng Pasiong Mahal
5:00NH BANAL NA MISA




HUWEBES SANTO
9 Abril 2009

8:00NU Pagbasa ng Pasiong Mahal

9:00NU PAGMIMISANG MAY PAGBABASBAS NG MGA LANGIS
Katedral ng Imus

Sunday, March 15, 2009

Dakilang Kapistahan ni San Jose, Kabiyak ng Puso ng Mahal na Birhen


Ang lahat po ay malugod na inaanyayahan
sa pagdiriwang ng

Dakilang Kapistahan ni San Jose, Kabiyak ng Puso ng Mahal na Birhen,
sa ika-19 ng Marso 2009, Huwebes,

na tatampukan ng pagdiriwang ng

Araw ng mga Relihiyoso at mga Manggagawa sa Parokya
(Day of Religious and Parish Workers).

Ang palatuntunan po ay magsisimula
sa pagdiriwang ng Banal na Misa
sa ganap na ika-5 ng hapon
sa simbahan ng Parokya.

Images of Parish Jubilee Events

Some images of past parish activities are posted in our Multiply site:

Arrival and Departure of the Viajera Image of Our Lady of the Pillar

Christmas Eve Concert 2008

Midnight Mass of the Nativity of the Lord 2008
Holy Mass, Blessing of Nativity Scene

Feast of the Santo NiƱo
Holy Mass, Coronation, Balik-Pari, Procession-Karakol

Visit the site to view the pictures.

If your have pictures or videos of the same of other activities of the Parish, please send, link or simply give a tip to smmpamadeo@yahoo.com or to mharangelo@yahoo.com.